KUMAIN NG ITLOG ARAW -ARAW
Sa araw-araw ng ginawa ng Diyos (thank you, Lord) puro itlog ang ulam ko para sa almusal. Haaaay…. Ibang klase. Hindi kaya ako atakihin sa puso nyan? O highblood-in? Wala pa naman magbi-BP sakin sa trabaho dahil ako na si Ms. Nurse.
May variety naman ang pagluluto ng itlog.
- Itlog na may sibuyas nung Martes (wala kasing pasok nung Lunes dahil sa eleksyon).
- Itlog na may kamatis nung Miyerkules
- Itlog na may sardinas nung Huwebes, at
- Itlog lang na pinrito kaninang umaga, Biyernes.
Tapos pagtingin ko sa freezer,
- May liempo
- May manok
- May hotdog
- May longganisa
- May tocino
- May lumpia
- May siomay pa nga e!
Bakit hindi yun? Pero baka ang gawin niya ay itlog na may hotdog, itlog na may liempo, etc. Faaaak.
PS: Ayos lang naman yung puro itlog, dahil at least ako… may nakakain. Mas masaya lang kung iba-iba para nakakagana sa umaga. Huwag malumbay, may paraan para sumarap ang ulam na itlog araw-araw… Haluan lang ng toyo na may kaunting suka, and voila… especial ITLOG NA MAY TOYO AT SUKA!
1 year ago